Naniniwala ang Philippine National Police na nakumbinsi nila ang European Union Human Rights Commission na walang state sponsored killing sa bansa sa ilalim ng war on drugs ng administrasyong Duterte.
Kasunod ito ng pakikipagpulong ng PNP sa United Nations at European Union sa Geneva, Switzerland at Brussels, Belgium.
Ayon kay Chief Supt. Dennis Siervo ng PNP Human Rights Affairs Office, ipinarating nila sa EU na hindi totoo ang mga lumalabas na report sa media na may 7,000 nang napatay kaugnay sa kampanya laban sa illegal na droga na sinasabing extra judicial killings
Iginiit ni Siervo na aabot sa 2,800 lamang ang mga napapatay sa mga anti drug police operation.
Ang iba aniyang numero ay nasa ilalim na ng homicide at murder cases.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal