Pinagpapaliwanag ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang DBP o Development Bank of the Philippines kaugnay ng loans na iginawad nito sa tatlong kompanya.
Sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Banks, sinabi ni Alvarez na batay sa report ng Commission on Appointments, umabot sa P5.6 Billion ang ipinautang ng DBP sa tatlong kompanya noong 2015 kahit pa malinaw umano na may pagsalungat ito sa credit policies ng bangko.
Ang tanging nabanggit sa 2015 COA report na sinasabi ni Alvarez na pinautangan ng nasabing halaga ay sa energy at housing sector.
Lumalabas na hindi naideklara ang pangalan ng tatlong kompanya na nakinabang sa Bilyong Piso na pautang ng DBP.
Dahil dito, inatasan ni Alvarez ang DBP na isumite ang pangalan ng tatlong nabanggit kompanya upang matukoy kung sinu-sino ang dapat na kasuhan kaugnay dito.
By: Meann Tanbio