Lusot na sa makapangyarihang Commission on Appointments si Senador Alan Peter Cayetano bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs.
Naaprubahan ang nominasyon ni Cayetano bilang Foreign Affairs secretary sa loob lamang ng dalawang minuto na siyang pinakamaikling confirmation hearing sa kasaysayan.
Ito ay sa pamamagitan Commission on Appointments committee sa pangunguna ni Senador Panfilo Lacson.
Una rito, dumating din sa senado si Presidential Communications Office Assistant Secretary Mocha Uson para magbigay umano ng suporta sa kumpirmasyon.
By Ralph Obina
Sen. Alan Cayetano lusot na sa Commission on Appointments was last modified: May 17th, 2017 by DWIZ 882