Tuloy pa rin ang pamamahagi ng Department of Health ng condom, kahit na hindi ito pinayagan ng Department of Education.
Sinabi ni Health sec. Paulyn Ubial, ang mga condom ay maaring hingin sa mga barangay health centers at libre naman itong ibibigay.
Mahalaga aniya ang pagkakaroon ng safe sex, para mabawasan ang panganib ng pagsasalin ng HIV o Human Immunodeficiency Virus.
Sinabi ni Ubial na maliban sa pakikipagtalik, maari rin maisalin ang HIV sa pamamagitan ng paggamit ng mga kuntiminadong karayom, at mayroon din aniyang ilang pagkakataon na naisasalin ito mula sa nanay patungo sa anak.
“Pero tumataas na rin ‘yung acceptance o paggamit ng condom. Ngunit nais pa rin ng pamahalaan na sana bumaba na ‘yung mataas na porsyento among the least population ‘yung mga men having sex with men, ‘yung mga people with multiple sexual partners, iyan ang pinagmumulan ng new infections, HIV AIDS”, pahayag ni Ubial sa DWIZ.
By Katrina Valle