Nirerespeto ng Malakanyang ang posisyon ng Ombudsman na haharangin nila ang planong gawing state witness si Pork Barrel Scam Queen Janet Lim Napoles.
Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel atty. Salvador Panelo na ang desisyon pa rin ng Ombudsman ang masusunod dahil ang tanggapan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang tanging may kapangyarihan na umusig sa kasong pandarambong ng akusado.
Nakadepende aniya sa pagharap ni Napoles sa re-investigation kung may bago itong sasabihin para makumbinsi ang Ombudsman na gawin siyang state witness.
Ang tanging magagawa lamang ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ay umapela sa Ombudsman para irekonsidera ang desisyon para maging state witness si Napoles.
Agad namang nilinaw ni Panelo na hindi pa natatalakay kay Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng pagiging state witness ng utak ng PDAF scam, pati na ang planong re-investigation nito ng Senado.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping