Tila napuno na si Philippine National Police o PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na pagsabihan ang mga pulis na nasasangkot sa illegal drugs.
Sa halip na pangaralan o pakiusapan, hinikayat ni Dela Rosa ang mga pasaway na pulis na manlaban na lang o makipagbarilan sa mga aaresto sa kanilang otoridad.
Nagpakita rin ng pagkabagot si Dela Rosa sa anya’y mabagal na proseso para mapanagot ang mga tiwaling pulis.
Kapag kinasuhan aniya ay nakukuha rin ng mga ito na makapagpiyansa dahil suportado ng druglord, at kapag nakalabas ay tuloy na naman sa iligal na gawin
Ayon kay Dela Rosa, mas makakabuti kung idaan na lamang sa mas mabilis na paraan ang pagpapanagot sa mga pulis at ito ay sa pamamagitan ng pakikipag duwelo sa mga ito.
By Len Aguirre