Nagkaharap na si People’s Champ Manny Pacquaio at Pinay drug convict na si Mary Jane Veloso sa Indonesia.
Diumano’y hindi napigilan ng maybahay ni Pacquiao na si Saranggani Vice Governor Jinky na maging emosyonal nang yakapin si Veloso.
Naging pigil naman emosyon ni Boxing champ at sinasabing naiyak na lamang ng bumalik sa kanilang sasakyan.
Ayon kay Pacquiao, hanga siya sa katatagan ng loob ni Veloso sa kabila ng kinakaharap.
Umabot ng halos isang oras ang pag-uusap ni Pacquiao at Veloso.
Bago naghiwalay ay magkasamang nagdasal ang tatlo at saka inaabot ni Veloso ang kanyang regalong balabal sa kongresista.
Nagbigay naman si Pacquiao ng tulong pinansyal kay Veloso.
Naniniwala ang kampeon na walang kasalanan si Veloso at dapat na papanagutin ang iligal recruiter nito.
Umaasa naman si Pacquiao na bago siya bumalik sa Pilipinas ay makakausap nya si Indonesian President Joko Widodo.
By Rianne Briones | Aya Yupangco (Patrol 5)
Photo Credit: MannyPacquiao’s Instagram