Sinimulan na ng AFP Board of Generals ang deliberasyon para sa susunod na Chief of Staff.
Kasunod ito ng early retirement sa susunod na buwan ni AFP Chief of Staff Gen Eduardo Año para makaupo na agad sa bagong nitong pwesto bilang kalihim ng DILG.
Ipinabatid ni AFP Public Affairs Office Chief Col Edgard Arevalo na lahat ng major service commanders ay kasama sa maaaring pagpilian para sa Chief of Staff mula sa ranggong colonel.
Gagawa ang AFP Board of Generals ng shortlist na ipapasa sa Pangulo, na siya namang pipili ng bagong hepe ng militar.
Sa ngayon, ayon kay Arevalo, naghahanda na ang AFP para sa change of command ceremony sa Hunyo.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal