Nangako ang Malacañang na tututukan ang kaso ng mag-asawang death convict sa Malaysia.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Sonny Coloma, makaasa ang pamilya ng mag-asawang Tim Har at Nori Ong na tutulungan sila ng gobyerno sa kanilang kinakaharap na kaso.
Binigyang diin ng Coloma na talagang patakaran ng gobyerno ng Pilipinas ang pagbibigay ng tulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagkaka-problema sa batas ng ibang bansa.
Matatandaang nagpasaklolo sa Malacañang ang mga anak ng mag-asawang Ong matapos na mahulihan ang mga ito ng droga sa isang hotel sa Malaysia at mapatawan ng parusang bitay noong 2005.
By Rianne Briones | Aileen Taliping (Patrol 23)