Pormal nang nagtapos ang Balikatan Exercises 2017.
Ang programa para sa pagtatapos ng Balikatan ay pinangunahan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Armed Forces of the Philippines o AFP Chief of Staff Eduardo Año at US Ambassador to the Philippines Sung Kim.
Nagpasalamat si Año sa pagpapanatili ng magandang samahan ng AFP at US Forces samantalang pinuri naman ni Sung ang lahat ng lumahok sa pagsasanay.
Sumentro ang Balikatan ngayong taon sa mga pagsasanay sa pagtugon sa epekto ng malalakas na kalamidad.
Isinagawa ang Balikatan Exercises sa mga lugar na madalas bayuhin ng bagyo tulad ng Aurora, Samar, Nueva Ecija, Ormoc at iba pa.
Taliwas sa mga nagdaang mga taon, walang war games ang nagtapos na Balikatan alinsunod na rin sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte.
By Len Aguirre