Naniniwala si Senate President Koko Pimentel na hindi pa desperado ang Pilipinas para mamalimos sa ibang bansa.
Ito ay matapos magpasya ang Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na tatanggap ang Pilipinas ng tulong pinansyal mula sa European Union o EU.
Sinabi ni Pimentel ang tulong na mayroong kalakip na kundisyon ay katumbas na rin ng pakikialam sa soberanya ng bansa.
Samantala, nasasayangan naman si Senadora Grace Poe sa pagkakansela sa foreign aid dahil nakalaan sana ito development projects sa Muslim Mindanao na makatutulong sa mas mabilis na pagsusulong ng kapayapaan.
Nationwide smoking ban isang welcome development – Pimentel
Welcome development para kay Senate President Koko Pimentel ang paglagda ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kautusang nagbabawal sa paninigarilyo sa pampublikong lugar.
Kasunod nito ay maganda aniyang mabuksan na rin ang talakayan sa posibleng pag amyenda sa sin tax sa sigarilyo.
Una nang isinulong ng ilang grupo na gawing limang daang piso (P500.00) ang presyo ng kada kaha ng sigarilyo.
By Katrina Valle | With Report from Cely Bueno