Nagtungo si Senador Leila de Lima sa Quezon City Municipal Trial Court Branch 34 kahapon kaugnay sa inihaing motion to admit attached comment ng prosekusyon.
Nais ng prosekusyon na maisama ang kanilang comment na may kinalaman sa nakabinbing motion for reconsideration ni De Lima na nakatakdang desisyunan ng korte sa a-nueve ng Hunyo.
Ang kaso ay kaugnay sa paglabag ni De Lima sa Article 150 ng revised penal code o disobedience of summons na inihain ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
Pagkatapos ng pagdinig, agad ibinalik si De Lima sa kanyang piitan sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.
By: Meann Tanbio