Tinawanan lamang nina Senate Majority Floorleader Vicente “Tito” Sotto III at Senador Francis Escudero ang plano umanong kudeta sa liderato ni Senate President Aquilino “koko” Pimentel.
Pabirong sinabi ni Sotto na baka konektado sa smoking ban ang coup plot dahil kapwa smoker sina Escudero at Senador Ralph recto.
Batay sa kumalat na balita, si Recto umano ang gagawing bagong Sen ate President, Senador Sonny Angara bilang Senate President Pro-Tempore at si Escudero ang majority leader.
Nagtataka naman si Escudero kung sino ang nagpakalat ng nasabing tsismis
Sa kabila nito, naniniwala si Senador Cynthia Villar na matatag ang liderato ngayon ng Senado
By: Meann Tanbio / Cely Bueno