Pinapu-pulbos na ni US President Donald Trump sa Pentagon ang Islamic State Group sa Syria para hindi na makabalik pa ang ito sa kanilang bansa.
Sinabi ni Defense Secretary Jim Mattis na batay sa nasabing estratehiya ang pag-kordon muna sa lugar bago patayin ang Jihadists kaysa patakasin ang mga ito bago tugisin.
Ang naturang estratehiya aniya ay bahagi nang pinalakas na pagkilos para mapigilan ang battle hardened Jihadists na dalhin ang kanilang military expertise at ideology pabalik sa Europe capitals at iba pang lugar.
Ayon kay Mattis, ang ipinag-utos ni Trump ay tactical shift na walisin ang ISIS mula sa ligtas na mga lugar sa isang sagupaan bago palibutan ng US Force para tuluyang malinis sa Islamic fighters ang Syria.
By Judith Estrada – Larino