Pinakakasuhan na ng Manila Prosecutor’s Office ang naarestong suspek sa pagsabog sa Quiapo, Maynila sa kasagsagan ng ASEAN Summit noong April 28.
Ang suspek na si Abel Macaraya ay kakasuhan ng tatlong (3) counts ng frustrated murder at sampung (10) counts ng attempted murder.
Ayon kay Manila City Prosecutor Edward Togonon, walang inirekomendang piyansa ang piskalya para sa pansamantalang kalayaan ni Macaraya.
Kabilang sa mga ebidensyang iprinisinta ng MPD o Manila Police District laban kay Macaraya ang salaysay ng tatlong (3) testigo na nagsasabing nakita nilang iniwan ng suspek ang itim na bag na naglalaman ng improvised explosive device sa Soler Street, ilang sandali bago ito sumabog.
Bukod pa ito sa CCTV footage kung saan makikita na si Macaraya ay tumatakbo galing sa pinangyarihan ng pagsabog.
By Judith Estrada – Larino