Pansamantalang sususpendihin ang mga flights ng PAL o Philippine Airlines na mula at patungong Abu Dhabi sa hulyo.
Nabatid na magkakaroon ang PAL ng route assessment kung saan pag-aaralan ang rutang dinaraanan ng kanilang mga eroplano.
Bunsod nito, pinayuhan ng PAL ang mga pasahero na nakakuha na ng ticket na may biyaheng maynila patungong Abu Dhabi at abu Dhabi pabalik ng Maynila sa Hulyo na magpa-rebook o magpa-refund na lamang.
By: Meann Tanbio / Ralph Obina