Mistulang inasar ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Commission on Human Rights dahil sa patuloy na pagiging kritiko sa anti-drug campaign ng gobyerno.
Sinabi ng Pangulo na nakukumbinsi na siya para maniwala na naka-droga ang mga taga-human rights dahil sa taliwas na paniwala ng mga ito sa drug war.
Ayon kay Pangulong Duterte, nakakatawang ipinagtatanggol ng CHR ang mga drug addicts na mga kriminal sa halip na damayan ang mga naging biktima ng mga ito.
Bukod pa rito aniya ang mungkahi na maglagay siya ng istasyon ng shabu para ibigay ng libre sa mga Pilipino.
Sinabi ni Pangulong Duterte na hindi siya magagalit basta magsabi lang ng totoo ang mga taga-CHR kung gumagamit din ba ang mga ito ng illegal na droga .
By: Aileen Taliping