Nagbigay ng ultimatum ang LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa lahat ng motorista para tanggalin ang lahat ng sagabal sa kanilang paningin habang nagmamaneho.
Ayon kay Atty. Aileen Lizada, board member at spokesperson ng LTFRB, mayroong hanggang Biyernes, Mayo 26 ang lahat ng motorista dahil sa Lunes ay sisimulan na nila ang panghuhuli sa mga ito.
Tinukoy ni Lizada ang rosaryo at iba pang borloloy na nakasabit sa harap ng sasakyan na sagabal sa light of sight ng driver.
Nilinaw ni Lizada na hindi ito bahagi ng anti-distracted driving law kundi bahagi ng JAO o Joint Administrative Order ng Land Transportation Office na noon pang 2014 pero hindi naipatutupad.
“Yung iba kung gusto niyo, you just wind the rosary doon sa rear view mirror niyo but not hanging because it’s swinging. This has been a very sensitive issue kaya we are trying to explain our best, hindi naman namin sinasabi na tanggalin niyo ‘yung mga borloloy ng sasakyan niyo, hindi lang dapat nakakaharang sa line of sight.” paliwanag ni Lizada
By Len Aguirre
LTFRB binigyang ultimatum ang mga motorista hinggil sa pagtatanggal ng mga borloloy na sagabal sa paningin ng tsuper was last modified: May 22nd, 2017 by DWIZ 882