Umakyat na sa 6 na katao ang namatay dahil sa southwest monsoon o habagat na pinalakas ng dalawang bagyong pumasok sa bansa.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), huling naitala ang 3 residente ng Meycauayan, Bulacan.
Kabilang dito sina Demetrio Ylasco, 74-anyos taga-Apable Street, barangay Iba na namatay matapos madaganan ng natumbang pader.
Namatay naman ang 5-taong gulang na si Aljon Lapitag Jr. ng Sitio Cabatuan, barangay Camalig matapos bahain ang kanilang bahay.
Patay din ang 1-taong gulang na si Irene Lumugho na taga-Mis Compound, barangay Pantok sa Bulacan.
Unang ng naiulat ang dalawang namatay dahil sa habagat na sina John Kevin Jacinto, 19-anyos na nadulas sa isang riprap sa Quezon City at nalunod sa ilog habang namatay din ang Korean diver sa Lapu-Lapu City.
By Mariboy Ysibido