Maaari ng daanan ng mga motorista ang Northbound exit ng South Luzon Expressway o SLEX sa Alabang, Muntinlupa.
Abril 19 nang bumagsak ang isang tore ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP matapos masunog ang katabi nitong residential area dahilan upang bahagyang maapektuhan ang daloy ng trapiko sa lugar.
Umabot naman ng isang buwan bago tuluyang naitayo muli ng NGCP ang bumagsak na tore.
By Drew Nacino