Nilinaw ng Manila City government na hindi nila aarmasan ang mga traffic enforcer ng lungsod.
Ayon kay Manila Traffic and Parking Bureau Chief Dennis Alcoreza, malaking responsibilidad ang kaakibat ng pagbibitbit ng baril lalo’t dapat ay mentally at emotionally fit ang isang indibidwal bago maging kwalipikadong mag-armas.
Hindi anya malayong magkaroon ng mas malaking problema sa mga kalsada kung tutugunan ang hirit na armasan ang mga traffic enforcer sa Maynila.
Bukod pa ito sa gastos sa pagsasanay ng mga traffic enforcer sa paghawak ng baril.
By Drew Nacino | With Report from Aya Yupangco