Pagkakataon na upang palakasin at patatagin ang ugnayan ng Pilipinas sa Russia.
Ayon sa political analyst na si Professor Clarita Carlos, dapat samantalahin ni Pangulong Rodrigo Duterte na maka-ugnayan ng Pilipinas ang pinakamalaki at isa sa pinakamakapangyarihang bansa.
Marami anyang ma-i-aalok ang Russia pagdating sa iba’t ibang aspeto lalo sa defense, trade at investment na malaking bentahe at tulong sa ekonomiya ng Pilipinas.
“Hindi tayo pinapakialaman ngayon ni Trump at ng America dahil iba ang kanyang pinapakialaman, medyo may entra ngayon ang Russia, at sinasabi niya na mag-oofer siya ng sariling regional security architecture. ” pahayag ni Carlos
Samantala, sa issue naman ng maritime dispute sa West Philippine Sea, duda rin si Carlos sa bantang digmaan ng China laban sa Pilipinas.
“I’m trying to dig up the story behind that, I doubt very much. China is selling to us. Dalawang contract na atang massive railway system ang i-sesetup satin,. The Chinese, nanggaling na sa kanila ‘yung protocol, hindi ‘yan magbibitaw ng salita na burara, napakahyperbole lang talaga ng ating pangulo. ” paliwanag ni Carlos
By Drew Nacino