Sinupalpal ng Iran ang patuloy na batikos sa kanila ni US President Donald Trump at King Saud Bin Abdulaziz ng Saudi Arabia.
Ayon kay Iranian President Hassan Rouhani, katawa-tawa ang naging summit ng US at Saudi Arabia sa Riyadh at tila walang laman ang kanilang talakayan.
Kataka-taka rin anya ang suporta ni Trump bilang isang demokratikong bansa sa Saudi Arabia gayong kahit isang beses ay hindi naman nakakita ng ballot box ang mga Saudi.
Hindi kagaya sa Iran, iginiit ni Rouhani na malinaw na mayroong demokrasya at patunay nito ang katatapos lamang na Presidential Election kung saan siya ang nagwagi para sa kanyang ikalawang termino.
Dagdag ng Iranian President, hindi sila patitinag sa mga patutsada at banta ng Amerika sa halip kanilang itutuloy ang pagpapalakas sa kanilang pwersa militar partikular ang pagdevelop sa missile upang ipagtanggol ang kanilang bansa.
By Drew Nacino