Nakubkob na ng Maute Group ang Amai Pakpak Medical Center sa Marawi City.
Ayon sa ulat, kaagad na ibinaba ng mga armadong kalalakihan ang bandila ng Pilipinas sa nasabing ospital at saka itinaas ang watawat ng ISIS.
Kaugnay nito, ipinabatid ni Dr. Mohammad Abedin, Presidente ng Lanao Del Sur Medical Society na hindi na pinalalabas ng pagamutan ang ilang mga doktor at nurse doon.
Samantala, sumiklab naman ang malaking sunog sa loob ng Marawi City Jail pasado alas-6:00 kagabi.
Wala pang inilalabas na ulat ang mga otoridad sa kundisyon ng mga nakakulong sa naturang bilangguan.
By: Meann Tanbio