Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng mga nasawi at nasugatan sa pambobomba sa concert ng American Pop Singer na si Ariana Grande sa Manchester City, United Kingdom.
Sa kanyang pahayag mula sa Moscow Russia, sinabi ng Pangulo na kaisa niya ang sambayanan sa pagkondena sa nasabing terror attack.
Kasabay nito, pinuri ng Pangulo ang mga otoridad sa England dahil sa maayos na paghawak sa sistwasyon.
By: Meann Tanbio