Under control ng militar ang sitwasyon sa Marawi City sa kabila nang patuloy na bakbakan ng mga awtoridad at Maute Group.
Ayon kay Lt. General Carlito Galvez, Jr. hepe ng WESMINCOM o Western Mindanao Command nagko-consolidate na ang mga tropa ng mga sundalo para mapanatiling tahimik ang Marawi City.
Tiniyak ni Galvez na kaagad nilang tatapusin ang pursuit operations sa iba pang lugar.
Sinabi ni Galvez na bini-verify pa nila ang mga report na nasa Marawi City rin ang ilang dayuhang terorista sa gitna na rin ng inilabas na litrato ng ISIS flag sa nasabing area.
Normal na aniyang ginagawa ng Maute Group ang magladlad ng ISIS flag para makakuha ng suporta mula sa ISIS community sa Iraq at Syria.
Siniguro rin ni Galvez sa publiko ang pagkastigo sa Maute Group dahil natatakot na rin aniya sa kanilang mga buhay ang mga residente ng Marawi City.
By Judith Larino
Marawi City under control ng militar—AFP was last modified: May 24th, 2017 by DWIZ 882