Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si AFP Chief of Staff Eduardo Año bilang Martial Law Administrator sa Mindanao.
Dahil dito, pinalawig ng Pangulo ang termino ni Año sa loob ng anim na buwan.
Sa June 2 sana nakatakdang bumaba sa kanyang pwesto ang opisyal para italaga bilang bagong kalihim sa Department of Interior and Local Government.
Gayunman, sinabi ng Pangulo na mahalaga ang papel na gagampanan ni Año sa pagpapanumbalik ng katahimikan sa Marawi City at Mindanao bilang administrador ng Martial Law.
By: Meann Tanbio