Isinusulong ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III ang pagpapaliban sa barangay at Sangguniang Kabataan elections sa October 2018.
Sa ilalim ng Senate Bill Number 1469, hiniling ni Sotto na iurong na lamang ang barangay at SK Elections sa ika-apat na Lunes ng buwan ng Oktubre sa susunod na taon, sa halip na sa ika-apat na Lunes ng Oktubre ngayong taon.
Una rito, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na plano niyang magtalaga na lamang ng officer-in-charge sa mga incumbent barangay captain na nasa holdover capacity.
Ayon sa Pangulo, 40 percent ng mga kapitan sa buong bansa ay sangkot sa iligal na droga.
By: Meann Tanbio