Makararanas pa rin ngayon ng maulang panahon ang malaking bahagi ng Luzon dahil sa southwest monsoon o hanging Habagat.
Inaasahang maaapektuhan ng banayad hanggang paminsan-minsang pag-ulan ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region o CAR at Central Luzon.
Dahil dito, nagbabala ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa mga residente sa mga naturang lugar laban sa mga posibleng flashflood at landslide.
Ayon sa PAGASA, asahan din ang paminsan-minsang pagbuhos ng ulan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, Western at Central Visayas.
By Jelbert Perdez