Hindi nababahala ang MNLF o Moro National Liberation Front sa idineklarang batas militar ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Sa harap na rin ito ng pagkubkob ng Maute Group sa lungsod ng Marawi kung saan nagsasagawa ngayon ng opensiba ang militar.
Ayon kay MNLF Spokesman Emmanuel Fontanilla, nakikipagtulungan si MNLF Founding Chairman Nur Misuari sa pamahalaan sa pagtatamo ng kapayapaan at kaayusan sa Mindanao partikularna sa Sulu at Tawi-Tawi.
Matagal na aniya nilang binitawan ang armadong pakikibaka bagama’t aminado silang nakababahala ang pagdideklara ng batas militar na para sa kanila ay hindi solusyon sa problema.
By: Jaymark Dagala