Hawak na ngayon ng Kongreso ang kopya ng Proclamation 216 ni Pangulong Rodrigo Duterte na naglalagay sa Mindanao sa Batas Militar.
Alas-10:26 kagabi nang dumating sa tanggapan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang naturang dokumento o halos dalawampu’t apat (24) na oras mula nang ideklara ito ng Pangulo.
Dahil dito, agad magpapatawag ng joint session ang Kongreso na binubuo ng Kamara at Senado para talakayin at pagpasyahan kung pagtitibayin ba iyon o hindi.
Para kina House Speaker Pantaleon Alvarez, Surigao del Sur Representative Johnny Pimentel at Muntinlupa Ruffy Biazon, may katuwiran ang Pangulo na ideklara ang Martial Law para mapigilan ang lumalalang problema ng terorismo sa Mindanao.
PAKINGGAN: HOUSE 1
Kinuwestyon naman ni Minority Leader Danilo Suarez ang militar kung bakit ito nalusutan ng mga bandido.
Kapwa naman nagpahayag ng pangamba sina Bayan Muna Partylist Carlos Zarate at Akbayan Representative Tom Villarin sa deklarasyon na ito ng Pangulo.
PAKINGGAN: HOUSE 2
Kopya ng Mindanao Martial Law Proclamation | via Jill Resontoc (Patrol 7)