Nakakuha pa rin ng very good performance rating ang Duterte administration base sa pinakabagong survey ng SWS o Social Weather Stations.
Sa isinagawang survey noong March 25 hanggang 28 sa 1,200 mga respondents, lumalabas na 75 percent ng mga ito ang satisfied o kuntento sa ginagawang trabaho ng Duterte administration.
Siyam (9) na porsyento lamang ang nagsabing hindi sila kuntento habang labing anim (16) na porsyento naman ang undecided sa naging performance ng gobyerno.
Pinakamaraming natutuwa sa trabaho ng gobyerno sa Mindanao kung saan nakakuha ng very good o plus 79 net satisfaction rating habang naitala naman ang pagtaas ng net satisfaction rating ng gobyerno sa Visayas mula plus 58 ay naging plus 67, plus 56 naging plus 60 sa Luzon at plus 62 naman sa Metro Manila mula sa plus 53.
Nakakuha ng very good grade ang administrasyon sa pagtulong sa mahihirap habang good rating naman para sa aspetong science and technology, paglaban sa terorismo, paninindigan para sa teritoryong pag-aari ng bansa, pagbibigay ng trabaho, paglaban sa krimen at pagsugpo sa korupsyon sa pamahalaan.
By Rianne Briones
Very good performance ng Duterte admin napanatili—survey was last modified: May 25th, 2017 by DWIZ 882