Umaabot na sa labing tatlo (13) ang napapatay na miyembro ng Maute group sa nagaganap na bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay Philippine Army First Infantry Division Spokesperson Col. Jo-ar Herrera, dalawang (2) bangkay na ng kalaban ang kanilang narekober habang nakuha naman sa mga ito ang isang M-16 rifle at ilang component ng improvised explosive device o IED.
Mayroon namang aniyang naitalang limang (5) nasawi sa tropa ng pamahalaan habang tatlumpu’t isa (31) ang nasugatan.
Natagpuan naman sa Sitio Mankado, Brgy. Kadilingan sa nasabing syudad ang bangkay ng siyam (9) na sinasabing mga Kristiyano na pinatay ng Maute sa isang checkpoint.
Nakatali ang kamay ng mga biktima at halos hindi na makilala ang mga mukha dahil sa dami ng tama ng bala.
By Rianne Briones
Bilang ng Maute members na napapatay sa Marawi umakyat na sa 13 was last modified: May 25th, 2017 by DWIZ 882