Suportado ni dating Philippine Constitutional Association o PHILCONSA President, Atty. Bonifacio Alentajan ang idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Ayon kay Alentajan, hindi na dapat kuwestyunin ang pagdedeklara ng batas militar dahil malinaw namang may kaguluhan sa Marawi City, Lanao del Sur kung saan may ilang sibilyan na ang pinatay ng Maute Group.
“Halos araw-araw may namamatay, linggo-linggo may kaguluhan, dapat na talagang magkaroon ng Martial Law sa Mindanao, marami kasi diyan walang ginagawa ang mga tao diyan sa Mindanao, tingnan mo yung mga sumuko at nahuling miyembro ng Abu Sayyaf at Maute puro bata, ibig sabihin hindi nag-aaral yang mga yan, walang ginagawa.” Ani Alentajan
Sinupalpal naman ni Atty. Alentajan ang mga bumabatikos at kumokontra sa idineklarang Martial Law partikular si Senador Antonio Trillanes.
“Itong mga tumututol at nagra-rally pa ay sila kaya ang ipadala natin sa Marawi para matigil ang kaguluhan doon, isang senador din diyan tutol din, siya kaya ang pumunta doon, dati siyang sundalo, ipadala mo siya doon, tignan natin kung anong magagawa niya diyan, sang-ayon yan sa ating Saligang Batas.” Pahayag ni Alentajan
By Drew Nacino | Balitang Todong Lakas (Interview)
Mga tutol sa pagdedeklara ng Martial Law sa Mindanao sinupalpal was last modified: May 25th, 2017 by DWIZ 882