Pinapayagan na ang same sex marriage sa Taiwan.
Ito ay matapos magdesisyon ang Constitutional Court ng Taiwan na ideklarang legal ang same sex marriage na kauna-unahan sa Asya.
Binigyang diin ng katas-taasang hukuman na labag sa saligang batas ang kasalukuyan nilang batas na pumipigil sa pagpapakasal ng mga LGBT.
Inatasan ng Korte ang mga mambabatas na amyendahan sa loob ng dalawang (2) taon ang batas ukol sa pagpapakasal upang tuluyang mapayagan ang same sex marriage.
By Ralph Obina