Hindi kokontrahin ng Malakanyang ang plano ng ilang abogadong Muslim na kuwestiyunin sa Korte Suprema ang idineklarang martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Reaksyon ito ng Palasyo matapos ihayag ng Philippine Muslim Society ang kanilang pagtutol sa idineklarang martial law dahil sa paniwalang hindi ito ang solusyon sa krisis sa Marawi City.
Iginiit ni Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na malaya ang sinumang grupo na dumulog sa kataas-taasang hukuman dahil pinapayagan ito alinsunod sa konstitusyon.
Mayroon aniyang tatlumpung (30) araw ang Korte Suprema para pagpasyahan ang mga reklamo at pagtutol sa ipinatupad na martial law sa Mindanao.
Kasabay nito, sinabi ni Panelo na nasa kamay na ng mga mambabatas kung palalawigin o ibabasura ang idineklarang martial law ni Pangulong Duterte matapos maipadala sa kongreso ang kopya ng Proclamation 216 na nagtatakda ng batas militar sa Mindanao.
By Meann Tanbio | With Report from Aileen Taliping