Nagsagawa ng “maneuvering drill” ang warship ng Amerika malapit sa artificial island ng China sa South China Sea.
Ayon sa mga analysts, matagal nang dumadaan ang US warships sa mga nilikhang isla ng Pilipinas sa South China Sea subalit ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsagawa ito ng operasyon.
Kumbinsido ang mga analysts na ito ay bilang pagkontra ng Amerika sa ginagawang pag-angkin ng China sa pinag-aagawang mga lugar sa South China Sea.
Inamin ng ilang US officials na nagsagawa ng man overboard exercise ang USS Dewey sa may 12 nautical miles ang layo sa artificial island ng China upang ipakita na hindi inosenteng pagdaan lamang doon ang kanilang pakay.
By Len Aguirre
US warship drill pagkontra vs. China claim—analysts was last modified: May 26th, 2017 by DWIZ 882