Nabawi na ng militar ang ilang barangay sa Marawi City na kinubkob ng Maute group.
Ayon kay Brig. General Restituto Padilla, spokesman ng Armed Forces of the Philippines o AFP, kabilang dito ang Barangay Makilala kung saan nailigtas nila ang tinatayang animnapung (60) residente na naipit sa labanan.
Samantala, nadagdagan pa anya ng anim (6) ang bilang ng mga puwersa ng gobyerno na nasawi sa labanan.
Dahil dito, umaabot na sa labing isang (11) miyembro ng AFP at PNP o Philippine National Police ang nasawi sa labanan kabilang ang dalawang (2) police officers, isa rito ay pinugutan pa ng mga bandido.
Sa panig ng Maute group, pumalo na sa tatlumput isa (31) ang nasawi kabilang ang mga foreign terrorists na tumutulong sa mga bandido.
Sinabi ni Padilla na matagal na sa bansa ang ilang dayuhang terorista mula sa Malaysia, Indonesia at iba pa na nagtuturo sa Maute group ng paggawa ng bomba.
“The focus of the operations right now is to clear the safety of every terrorist that is still currently in the area. This clearing operations are now being carried out since the other day and as of 12:00 midnight last night, I am glad to report to you that we have been able to reach parts of the city which have been held with some of this terrorist elements in the past few days”, bahagi ng naging pahayag ni Padilla.
By Len Aguirre