Nakatakdang pag-usapan ng Senado sa Lunes ang panawagan nina Senador Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros at Sherwin Gatchalian na magdaos pa rin ng joint session ang Kongreso matapos ang idineklarang Martial Law sa Mindanao.
Sinabi ni Senate President Aquilino “koko” Pimentel na sa isasagawang All Senators Caucus sa Lunes, maririnig ang sentimiyento ng mga Senador sa ipinatutupad na Martial Law at Suspension ng Writ of Habeas Corpus sa Mindanao
Una nang iginiit ni Hontiveros na hindi nila dapat isa isantabi ang constitutional duty na magdaos ng joint session para masuri ang idineklarang Martial Law ng Pangulo
Paliwanag ng Senadora, malinaw naman na walang probisyon sa konstitusyon na nagsasabing optional lang ang pagsasagawa ng joint session.
Dapat aniyang tandaan na ang hudikatura ay may constitutional duty para suriin ang report sa isang joint session ang isinumiteng report ng Pangulo hinggil Martial Law declaration.
Ayon kay Hontiveros, ang joint session ang pagkakataon ng mga mambabatas para magkaroon ng official record hinggil sa kanilang posisyon sa Martial Law.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno