Ibinasura ng Office of the Solicitor General ang mungkahi ni dating Pangulong Fidel Ramos na bawasan ang mga lugar na sakop ng Martial Law sa Mindanao.
Ipinaliwanag ni Solicitor General Jose Calida na mahirap gawin ang mungkahi ni dating Pangulong Ramos dahil walang secured boarders sa Mindanao para mapigil lamang sa isang lugar ang mga teroristang grupo.
Madali aniyang makalipat sa ibang lugar ang Maute Group kayat hindi praktikal ang mungkahi ng dating Pangulong Ramos.
Idinagdag pa ni Calida na saang lugar sa Mindanao ay may mga sympathizers ang local terrorist groups kaya’t hindi uubra ang mungkahing limitahan ang mga lugar na sakop ng Martial Law sa Mindanao.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping