Pipilitin ng US military na i-intercept ang isang intercontinental ballistic missile.
Ito ayon sa Pentagon ay sa pamamagitan ng isang landmark test ng defense system sa gitna na rin ng lumalawak na tensyon kaugnay sa weapons program ng North Korea.
Ang nasabing test na itinakda sa Martes ay unang pagkakataong tatangkain ng US military na i-intercept ang isang ICBM.
Ang mga nakalipas na trial ay isinagawa laban sa intermediate range missiles na mas mabagal.
Ipinabatid ng Missile Defense Agency na ang mga expert ay nakatakdang maglunsad ng ground based interceptor mula sa Vandenberg Air Force base sa California na isang mock up ng ICBM na pinaputok mula sa reagan test site sa Kwajalein Atoll sa Marshall Islands.
By Judith Larino
Intercontinental ballistic missile haharangin ng Amerika was last modified: May 27th, 2017 by DWIZ 882