Kumbinsido ang AFP o Armed Forces of the Philippines na diversionary tactic ng Abu Sayyaf ang ginawang pananambang sa mga sundalo sa Patikul, Sulu noong Huwebes, Mayo 25.
Ayon kay AFP Chief of Staff Eduardo Año, malaking insidente ang nangyari sa Marawi City na hanggang sa ngayon ay kanilang nire-resolba.
Aniya, ang naganap naman ambush sa Sulu ay posibleng diversionary tactic ng Abu Sayyaf bilang suporta sa mga umatake naman sa Marawi.
Isang sundalo ang nasawi habang sampung (10) iba pa ang nasugatan sa pagsalakay ng hindi bababa sa sampu (15) hanggang labinlimang (15) bandido sa bayan ng Patikul, Huwebes ng umaga.
By Meann Tanbio
Pananambang sa mga sundalo sa Sulu isang diversionary tactic–AFP was last modified: May 28th, 2017 by DWIZ 882