Kumpyansa si GRP panel chief negotiator at Labor Secretary Silvestre Bello III na gugulong pang muli ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front (NDF).
Ito’y matapos isuspinde ang peace negotiations sa ikalawang pagkakataon hangga’t hindi nakikita ng gobyerno na sinsero ang partido komunista hinggil dito.
Sinabi ni Bello na mayroon pa ring pag-asa kaya’t hinihintay pa ng pamahalaan ang tugon ng NDF.
Una rito, hiniling ng pamahalaan na bawiin ng NDF ang kautusang paigtingin ang mga pag-atake kontra pamahalaan bunsod ng idineklarang martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Iginiit naman ng pamahalaan na hindi NPA kundi mga teroristang Maute at Abu Sayyaf ang target ng mga opensiba sa Mindanao sa ilalim ng martial law.
By Meann Tanbio / Ralph Obina
Labor Sec. Silvestre Bello kumpyansa na gugulong muli ang peace talks was last modified: May 28th, 2017 by DWIZ 882