Narecover na ng mga otoridad ang walong katawan ng mga sibilyan, karamihan ay mga babae at isang bata na pinatay ng mga Maute Group .
Sinabi sa DWIZ ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Brig. General Restituto Padilla na nakita ng mga pulis ang labi ng mga biktima sa gilid ng Mindanao State University.
Hindi masabi ni Padilla kung mga estudyante o mga guro ang napatay na mga biktima kayat inaalam na ang pagkakilanlan sa mga ito.
Sinabi pa ni Padilla na sinisikap nilang makuha ang iba pang mga labi na biktima ng mga terorista sa kasagsagan ng pakikipagbakbakan ng mga ito sa mga puwersa ng gobyerno.
By: Aileen Taliping