Hindi hahayaan ng mga tropa ng pamahalaan na makalipat sa ibang siyudad ang mga teroristang naghasik ng karahasan sa Marawi City.
Ito ang inihayag sa DWIZ ni Afp Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla sa harap na rin ng pangamba ng mga sibilyan na baka makarating hanggang sa Metro Manila ang Maute Terrorist Group.
Sinabi ni Padilla na mayroong nakalatag na security infrastructure ang AFP sa mga pangunahing lungsod na posibleng targetin ng mga terorista.
Bawat pangunahing lungsod at mga lugar ay mayroong mga tropa ng pamahalaan na nagbabantay sa kaayusan at hindi hahayaang manaig ang karahasan.
By: Aileen Taliping