Pinag-aaralan ng US authorities ang pag-ban ng laptop sa lahat ng aircraft cabins sa lahat ng flight papasok at palabas ng Amerika.
Ayon kay Homeland Security Secretary John Kelly, bahagi ito ng pagtataas ng alerto sa airline security kabilang ang mahigpit na pag-inspeksyon sa carry-on items.
Sinabi ni Kelly na nais lamang nilang paghandaan ang air hijacking na nakaugalian na ng mga terorista partikular ang kung ito ay US carrier at sakay ang maraming Amerikano.
Marso ng taong ito nang magpatupad ang US government ng restrictions sa malalaking electronic devices sa aircraft cabins sa mga biyahe sa sampung (10) airport kabilang ang United Arab Emirates, Qatar at Turkey.
By Judith Larino
Laptop ban sa lahat ng flights pinag-aaralan na ng Amerika was last modified: May 29th, 2017 by DWIZ 882