Nagbabala ng malaking kapahamakan ang Pentagon kaugnay ng muling paglulunsad ng missile ng North Korea na bumagsak sa exclusive economic zone ng Japan.
Ayon kay US Defense Secretary James Mattis, hindi malayong magkaroon ng giyera sa pagitan ng NoKor at mga kaalyadong bansa ng Estados Unidos na nasa bingit ng panganib dahil sa patuloy na missile testing ng hilagang Korea.
Kabilang sa mga inaasahang lalahok sa digmaan kapag nagkataon maliban sa US at NoKor ay ang South Korea, China, Russia at Japan.
By Ralph Obina