Itinanggi ng mga awtoridad ang napaulat na lockdown sa Iligan City dahil sa umano’y takot na umabot sa lungsod ang bakbakan ng mga awtoridad at Maute Group.
Ayon kay Supt. Lemuel Gonda, PIO Chief ng PNP Region 10, mahigpit na checkpoint lamang ang ikinakasa nila sa Iligan City bukod sa pinaigting na police visibility.
Nilinaw ni Gonda na sinuman ay uubrang pumasok at lumabas ng Iligan City maliban lamang kung may paglabag sa batas ang mga ito tulad nang pagbibitbit ng kontrabando, armas at pampasabog na aniya’y hindi talaga makakalusot sa mahigpit na inspeksyon nila.
Marami sa mga apektadong residente ng Marawi City ang tumatakbo sa Iligan City at mga kalapit na lungsod simula nang sagupaan ng mga sundalo’t pulis at mga bandido.
By Judith Larino
Ulat na lockdown sa Iligan City pinabulaanan was last modified: May 30th, 2017 by DWIZ 882