Nananatiling bukas si Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio sa panukalang localized peacetalks sa New People’s Army o NPA.
Ayon sa Alkalde, kahit labag sa kanyang kalooban ay wala siyang magagawa kung kanilang makikitang makatutulong at makabubuti ang pagkakaroon ng localized peacetalks sa lungsod ng Davao.
Gayunman, pinatitiyak pa rin ni Carpio na matitigil na ang isinasagawang opensiba ng komunistang rebelde laban sa mga sibilyan o sa Armed Forces of the Philippines (AFP) bago nila ito simulan.
Matatandaang, una nang inalok ni Carpio ang NPA ng localized peacetalks subalit hindi ito umusad.
CHR sinimulan na ang pag-monitor sa mga aabuso sa idineklarang martial law sa Mindanao
Sinimulan na ng CHR o Commission on Human Rights ang pag-monitor sa mga posibleng nangyayaring pag-abuso dahil sa ipinatutupad na martial law sa Mindanao.
Ayon kay CHR Commissioner Roberto Cadiz, inatasan na nila ang kanilang mga regional offices na agad na i-report ang anumang mga pag-abuso sa karapatang pantao na kanilang ma-momonitor.
Hinimok rin ni Cadiz ang publiko na maging mapagbantay at makipagtulungan upang mapigilan ang mga posibleng pag-abuso.
Kasabay nito, nagpahayag rin ng suporta ang commissioner sa pagsasagawa ng joint session ng kongreso para talakayin ang ipinatupad na martial law ng Pangulong Rodrigo Duterte.
By Krista De Dios