Itinanggi ng Malakanyang na anti – poor o mas magpapahirap pa sa publiko ang bersyon ng tax reform bill na isinusulong ng adminitrasyong Duterte.
Ayon kay National Economic and Development Authority o NEDA Secretary Ernesto Pernia, malaki ang maitutulong ng nasabing panukala sa mga Pilipinong maliit lamang ang tinatangtanggap na sweldo.
Paliwanag ng kalihim, sa isinusulong na tax reform bill, magiging 25% na lamang ang ikakaltas na buwis sa mga empleyadong tumatanggap ng maliliit na sweldo kumpara sa kasalukuyang 32% para sa lahat ng mga manggagawa.
Samantala, ang mga sumasahod ng malaki o katumbas ng limang (5) milyong piso kada taon ang bubuwisan ng hanggang sa 35%.
Ang tax reform bill ay sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte na makatutulong aniya para sa pagpopondo ng mga proyekto ng administrasyon.
By Krista De Dios | With Report from Aileen Taliping